Maligayang Pagdating sa Commercus

Maligayang pagdating sa commercus.com, ang tanging tunay na web portal sa market na para sa mga patalastas na nakasalin sa maraming wika.
Kung nais mong bumili o magbenta, mag-post lang ng mga patalastas dito. Ipost ito sa iyong sariling wika pagkatapos ay piliin ang wika kung saan nais mong isalin ito.
Isasalin ng aming serbisyo ng pagsasalin ang nilalaman ng iyong patalastas at ipapakita ito sa commercus.com sa napiling wika.
Sa pamamagitan ng paggamit ng aming serbisyo, maaabot mo ang mga tao at kumpanyang nasa ibang bansa gamit ang kanilang katutubong wika sa mura ngunit mabisang paraan. Kung ikaw ay nagbebenta ng produkto o serbisyo, naghahanap ng kasosyo sa negosyo sa ibang bansa, o kung sa palagay mo ang iyong market o supplier ay nasa ibang bansa, ang commercus.com ang pinakamagandang solusyon para sa iyo. Ang commercus.com ang tanging web portal na nagbubuklod ng mga tao sa pamamagitan ng pag-alis ng balakid sa wika.
Bilang paunang handog namin, LIBRE ang unang 2500 na patalastas na ipopost sa FILIPINO kasama na ang serbisyo ng pagsasalin.

Sino Kami?

Advertise

Ang Commercus.com ay isang natatanging web-advertising portal na naghahatid ng lahat ng mga bagay na mayroon ang ibang web portal na kauri nito. Kung gayon, sa paanong paraan naging katangi-tangi ang commercus.com?
Ang Commercus.com ay mayroong eksklusibong karagdagang silbi - ang mabisang pagsasalin ng wika para sa lahat ng mga nakasulat na patalastas. Salamat sa kakaibang serbisyong ito at ang mga patalastas o mensahe ay maaaring i-post, basahin at intindihin sa maraming mga wika na maaari mong piliin bilang advertiser. Bilang halimbawa, sa loob ng Unyon ng Europa ay mayroong malayang paggalaw ng mga bagay at serbisyo, ngunit nariyan parati ang parehas na hadlang - ang balakid ng wika dahil sa mahigit na 25 wika na ginagamit sa loob ng Europa. Sa kabutihang palad, sa commercus.com, wala ang problemang ito at ang iyong patalastas ay maaaring mabasa at maintindihan ng lahat ng nasa Europa o higit pa! Hindi mo na kailangan pang magsalita ng ibang wika! Naalis ang balakid ng wika dahil sa serbisyo ng pagsasalin.

Para sa Nagbebenta

Kung ikaw ay naghahanap ng mga produkto o serbisyong ibebenta, maaaring naisin mong ipost ang iyong patalastas sa mas maraming wika na pipiliin mo. Maipopost ang mensahe mo sa mga wikang napili mo. Maaari naming gawin ito para sa iyo dito sa commercus.com. Para sa bawat wikang nais mong lagyan ng patalastas, € 3.00 lang ang babayaran mo para dito.

Ang commercus.com ay isang napakagandang solusyon para sa iyo. Wala nang mas dadali pa sa pagbebenta gamit ang aming portal. Isasalin ng aming serbisyo ng pagsasalin ang iyong patalastas sa iyong mga napiling wika at ipopost ito sa commercus.com. Ang iyong patalastas ay mababasa at mananatili sa aming portal sa loob ng tatlong buwan, na may 25% na diskwento sa unang halaga ng pagpopost. Maaari mo ding alisin nang mano-mano ang iyong patalastas sa anumang oras. Ang aming handog na serbisyo ay natatangi, simple at mabisa.

Advertise

Para sa Bumibili

Kung ikaw ay naghahanap ng mga produkto o serbisyong bibilhin, maaaring naisin mong ipost ang iyong patalastas hindi lamang sa isang wika, ngunit sa mas maraming wika na pipiliin mo. Maaari naming gawin ito para sa iyo dito sa commercus.com. Para sa bawat wikang nais mong lagyan ng patalastas, € 3.00 lang ang babayaran mo para dito.

Ang commercus.com ay isang napakagandang solusyon para sa iyo. Wala nang mas dadali pa sa pagbili gamit ang aming portal. Isasalin ng aming serbisyo ng pagsasalin ang iyong patalastas sa iyong mga napiling wika sa commercus.com

Ang aming handog na serbisyo ay natatangi, simple at mabisa.

Advertise

Bakit Commercus

Napakaraming mga bansa sa ating planeta at gayundin ay napakaraming wikang ginagamit. Salamat sa commercus.com at maaari nang maglagay ng patalastas sa halos lahat ng mga pangunahing wika at higit pang dumarami. Sa pamamagitan ng pagpili sa amin, maaari mong maabot ang mga market na hindi mo naaabot noon. Kung ikaw ay bumibili, nagbebenta, naghahanap ng kasosyo sa negosyo o staff para sa banyagang bansa, tamang-tama ang commercus.com para sa iyo. Sa commercus.com, walang limitasyon.

Magpakilala

Kung nais mong paramihin ang iyong mga kliyente o supplier, tamang-tama ang commercus.com para sa iyo. Bilang halimbawa sa loob ng Eropa, 15% lamang ng kabuuang populasyon ang nakakaintindi ng Ingles at mayroong 25 iba't ibang wika ang ginagamit. Kung pagbabatayan ang teorya, mahigit sa 5 bilyong tao ang maabot ng commercus.com at ang isang patalastas ay maaaring isalin sa napakaraming mga wika.

Palawigin ang Iyong Market

Ang Commercus.com ay isang negosyong online batay sa mga patalastas na nakasalin sa maraming wika at ito ay nagbibigay ng malaking potensyal para sa iyo.

Kung nais mong makaabot sa mas malaking market para sa iyong mga produkto o serbisyo kumpara sa iyong mga nakagawiang alternatibo, nakabubuting mag-post ng patalastas sa commercus.com. Sa pamamagitan ng mga patalastas na nakasalin sa maraming wika, mas makakakuha ka ng atensyon ng mga taong kadalasan ay hindi mo naaabot. Ang handog namin ay katangi-tangi mula sa komersyal na perspektibo dahil pinapayagan nito ang komunikasyon sa pagitan ng mga bansa at ng kanilang mga negosyo. Aalisin ng commercus.com ang balakid sa wika maging ikaw man ay isang malaking investor o pribadong kliyente. Kung pagbabatayan ang teorya, maaabot mo ang mahigit sa 5 bilyong tao sa buong mundo na magnanais na kunin ang pagkakataon na makipagnegosyo sa iyo.
Kung nais mong mas maraming makakita sa iyong mga patalastas, tamang lugar ang commercus.com para mag-post ng patalastas. Sa ilang mga wikang napili mo, mababasa at mauunawaan ang mga ito saan mo man naisin.